Muling pinangunahan ni First Lady Maria Louise “Liza” Marcos, kasama sina TESDA Director General Jose Francisco Kiko Benitez at Deputy Directors General Vidal Villanueva III at Felizardo Colambo ang LAB for ALL Caravan na isinagawa ngayong araw, ika-29 ng Agosto sa East Visayan Academy sa Barangay Bulacao, Talisay City, Cebu.
Mahigit 1,500 na benepisyaryo ang dumalo at nakatanggap ng kanilang benepisyo bilang isang TESDA iskolar, kabilang dito ang pamamahagi ng kanilang Training Support Fund at starter toolkits.
Nagpakitang-gilas din sa iba’t ibang pagsasanay at nakilahok sa skills demonstration ang iba’t ibang tech-voc institutions ng probinsya.
Layunin ng caravan na makapagbigay ng libreng konsultasyon, x-ray, laboratory services at mga gamot sa lalawigan.
Kasama rin sa naturang caravan sina TESDA Region VII – Central Visayas Regional Director Gamaliel Vicente Jr., TESDA Provincial Office – Cebu, Provincial Director at Assistant Regional Director, Floro Ringca at iba pang Provincial Director ng Region VII.
Photos and caption: TESDA